Sa hulmahan ng diwa ni Lualhati Bautista.
Isa sa mga unang nagparikit sa alab ng masining na
pagsasalaysay ng buhay.
Isinulat ni Jake
ang istorya ng pag-ibig nila ni Aurea. Iyon ang ipamimigay sa kanilang kasal
bilang souvenier. Tulad ng ibang makata, iyon ay nasa wikang tagalog. At
inilimbag ng isang lumang makinilyang pinagmamalaki n’yang kapareho ng modelong
ginamit ni Lualhati Bautista sa pagsulat ng mga nobelang “‘GAPÔ” at “Bata, Bata, Pa'no
Ka Ginawa?”.
‘San daan at walong pahina. Maganda ang
pagkakasalaysay sa tipikal na font size ng makinilya. Kakaunti ang Snow-Pake sa
mukha ng mga papel na pinagsamasama ng stapler. Walang iniwang detalye. Simula
‘nung una silang magkita, hanggang sa araw na isinusulat na nya ang istorya.
Kung mababasa’y aabutin ng kilig.
Mararamdaman ang nakapaloob na pag-ibig sa bawat saknong. Mararamdaman ang
lubos na pagmamahal ni Jake.
May apat na taon na nang isalansan iyon ni
Jake sa gitna ng mga libro sa bookshelf sa kwarto nila ng asawa nya.
May bilog na mantsa iyon na galing sa
pagkakapatong ng isang tasa ng kape. Nabibilugan ng brown na mantsa ang pamagat
nitong “Ang naudlot kong langit”.
-Ewak Hernandez
2012
“The only affair
that I do not hate is a love affair, period.” –Lualhati Bautista
No comments:
Post a Comment